Ang teknikal na bokasyonal na pagsulat ay isang komunikasyong pagsulat sa mga larang mayroong espesyalisadong bokabularyo tulang na lamang ng inhenyera, agham, teknolohiya at agham pangkalusugan.Mahalaga rin na malinaw, nauunawaan at kompleto at tama ang mga inilalahad na mga impormasyon.
Ang Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat ay maaring magamit sa:
- Upang maging batayan sa desisyon ng namamahala
- Upang magbigay ng kailangang impormasyon
- Upang magbigay ng introduksyon
- Upang magpaliwanag ng teknik
- Upang mag-ulat ng natamo (achievement)
- Upang mag-analisa ng may suliraning bahagi (problem areas)
- Upang matiyak ang pangangailangan ng disenyo at sistema
- Upang maging batayan ng pampublikong ugnayan
- Upang mag-ulat sa mga stockholders ng kompanya
- Upang makabuo ng produkto
- Upang makapagbigay ng serbisyo
- Upang makalikha ng mga proposal
Taglay nito ang anyo ng:
- Flyers
- Sulating akademiko
- Leaflets
- Dokumentasyon
- Feasibility study
- Naratibo
- Deskripsyon ng produkto
- Ulat
- Promo material
Mahalagang malaman nag mga
katangian ng teknikal-bokasyonal na pagsulat kung ikaw ay naghahangad na maging
propesyonal na manunulat.Maraming klase ng pagsulat at bawat uri ay may
layunin. Naiiba ang teknikal-bokasyonal ng pagsulat sa kadahilanang ito ay
higit na naglalaman ng mga impormasyon. Ang layunin ng ganitong uri ng pagsulat
ay maipaliwanag ng ibat’t-ibang paksa sa mga mambabasa.
Ang teknikal-bokasyonal na
pagsulat ay :
Naglalahad at nagpapaliwanag ng
paksang-aralin sa malinaw , obhetibo, tumpak, at di-emosyonal na paraan. Ito
rin ay gumagamit ng deskripsyong ng mekanismo, deskripsyon ng proseso,
klaripikasyon, sanhi at bunga, paghahambing at pagkakaiba , analohiya at
interpretasyon. Gumagamit din ito ng mga teknikal na bokabularyo. Maliban pa sa
mga talahanayan, grap, at mga bilang upang matiyak at masuportahan ang talakay
tekswal.
Comments
Post a Comment